PULSE PH

COC Filing para sa Eleksyon 2025, Ngayong Araw Na!

Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Martes ang isang linggong filing ng certificates of candidacy (COC) para sa Eleksyon 2025, mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8, 2024. Mahigit 18,000 posisyon ang nakataya para sa mga kandidato.

May kabuuang 18,280 posisyon ang pagpipilian sa darating na pambansang at lokal na eleksyon. Narito ang breakdown ng mga puwesto:

  • – 12 senador
  • – 63 party-list representative
  • – 254 miyembro ng House of Representatives
  • – 82 gobernador
  • – 82 bise-gobernador
  • – 800 miyembro ng Sangguniang Panlalawigan
  • – 149 mayor ng lungsod
  • – 149 bise-mayor ng lungsod
  • – 1,690 miyembro ng Sangguniang Panlungsod
  • – 1,493 municipal mayor
  • -1,493 municipal vice-mayor
  • – 11,948 miyembro ng Sangguniang Bayan
  • – 25 miyembro ng BARMM Parliament
  • – 40 BARMM Party Representatives

Ang mga nagnanais tumakbo bilang senador at party-list representative ay magfa-file ng kanilang COC at CONA sa Manila Hotel Tent City, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Exit mobile version