Site icon PULSE PH

Christine Nasaktan Pagbawi ni Vice ng Sorry! “Paano Naman Ako?!”

Tila lalong umiinit ang kontrobersiya sa nakaraang episode ng “EXpecially For You” kung saan tampok sina Axel Cruz at Christine.

Nag-viral kasi ang recent video ni Christine na humahagulgol matapos bawiin ni Vice Ganda ang kanyang apology sa live telecast ng “It’s Showtime.”

Ang naturang video ay ibinandera ng kapatid ni Axel noong June 5 at agad na kumalat sa TikTok.

Sa ngayon, umaani na ito ng mahigit 8 million views.

Mapapanood sa video na nakasalampak sa sahig si Christine habang umiiyak at tila may kausap na staff ng noontime show matapos umere ang pahayag ni Vice.

“Mas lalo niyo po sila binigyan ng dahilan para mai-bash ako,” sabi ni Christine sa kanyang kausap na babae sa phone.

Dagdag pa niya habang umiiyak, “Pinagmukha niyo akong sinungaling. Paano naman po ako?”

Nag-reply naman ang staff at sinabing nag-upload si Christine ng tatlong videos na hindi magkakatugma ang sinabi.

Sumagot si Christine at sinabing: “Ini-explain ko nga po lahat. Nakatatlong video po ako. Hindi po iba-iba. Paulit-ulit po ako.”

“Ini-e-exaggerate ko lang po kasi ‘yung mga tao nire-replyan ko po sila kasi hindi po nila ma-gets ‘yung point ko,” dagdag pa niya.

Hindi na ma-view ang iba pang bahagi ng video, pero maririnig sa kausap ni Christine na hindi nila intensyon na mapagmukhang sinungaling si Christine.

Bago matapos ang pag-uusap nila, sinabi ng staff na muli nilang tatawagan si Christine.

As of this writing, wala pang bagong statement ang “It’s Showtime” kaugnay sa viral video ni Christine.

Magugunitang nag-tweet si Vice na handa siyang mag-sorry kay Axel matapos klaruhin ni Christine na hindi siya na-offend sa ginawa ng ex-dyowa.

Exit mobile version