Nagpahayag ng matinding pagtutol ang China noong Linggo laban sa mga bagong tariffs na ipinatupad ng US sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Donald Trump. Ayon sa Ministry of Commerce ng China, ang bansa ay magpapatupad ng mga “countermeasures” upang protektahan ang kanilang mga karapatan at interes.
Noong Sabado, inihayag ni Trump ang mga bagong hakbang laban sa mga pangunahing trade partners, kabilang ang isang karagdagang 10% na taripa sa mga import mula sa China, kasunod ng mga umiiral nang taripa.
Sa kanilang pahayag, kinondena ng China ang “erroneous practices” ng US, at tinukoy na ang bagong taripa ay “malupit na pagsalungat” sa kanilang mga interes. Nagbanta ang China na magsasampa sila ng kaso sa World Trade Organization (WTO), itinuturing na ang unilateral na pagpapataw ng taripa ng US ay lumalabag sa mga patakaran ng WTO.
Ayon sa Ministry of Commerce ng China, ang mga bagong taripa ay hindi nakakatulong sa paglutas ng mga problema ng US, kundi nakakasira pa sa normal na kalakalan at kooperasyon.
Idinagdag pa nila na ang US ay dapat tumutok sa mga isyu tulad ng fentanyl at hindi laging nagbabanta ng taripa sa ibang bansa.
“China urges the US to correct its erroneous practices and engage in frank dialogues,” ayon sa China. Hiniling nila na magtulungan at magtaguyod ng kooperasyon sa batayan ng pagkakapantay-pantay, mutual na benepisyo, at paggalang sa isa’t isa.
Samantala, ipinaabot din ng Ministry of Foreign Affairs ng China na walang sinuman ang mananalo sa trade war. Inihayag nila na ang pagpapataw ng mga karagdagang taripa ay hindi makakatulong at tiyak na makakasira sa mga future na kooperasyon, partikular sa isyu ng drug control.
