Todo-pasiklab ang China sa kanilang military parade sa Beijing kung saan ipinarada ang pinakabagong high-tech na armas: underwater drones, higanteng missiles at laser weapons. Dinaluhan ang okasyon nina Russian President Vladimir Putin at North Korean leader Kim Jong Un.
Sa talumpati, ipinagmalaki ni President Xi Jinping na “unstoppable” ang China, kasabay ng pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng pagkapanalo laban sa Japan noong World War II.
Mga tampok na ipinasilip:
- DF-5C ICBM: intercontinental ballistic missile na kayang tumama kahit saan sa mundo.
- AJX002 at HSU100 drones: malalaking unmanned underwater vehicles para sa reconnaissance at minelaying.
- Bagong anti-ship missiles (YJ-15, YJ-17, YJ-19, YJ-20): posibleng hypersonic, kayang magdulot ng matinding pinsala sa malalaking barko.
- LY-1 laser defense system: tinaguriang “pinakamakapangyarihang laser air defense system” na kayang sumira ng target gamit ang precision energy.
- KJ-600 early warning aircraft: bagong surveillance plane para sa Chinese aircraft carriers.
Kasama rin sa parada ang unmanned land, sea, at air vehicles, radar systems, at advanced surveillance aircraft—patunay ng mabilis na modernisasyon ng military arsenal ng China sa kabila ng tensyon laban sa U.S.