Tinanggal sa pwesto ang hepe ng Makati Police Station matapos ang insidenteng shooting malapit sa sasakyan ni ACT party-list Rep. France Castro noong Miyerkules ng gabi. Ayon kay NCRPO Director Brig. Gen. Anthony Aberin, si Col. Joseph Talento ay tinanggal upang masiguro ang isang patas na imbestigasyon.
Sa isang hearing sa House of Representatives, inexpress ni Castro ang pangamba sa kanyang kaligtasan nang magpa-putok ng baril ang dalawang pulis mula sa isang patrol car sa Bonifacio Global City habang siya’y na-stuck sa traffic. Sinabi ni Castro na isa sa mga pulis ang nagpaputok sa isang motorcycle rider na malapit sa kanyang sasakyan.
Ayon sa Southern Police District, nangyari ang insidente sa Makati, hindi sa Taguig. Binanggit ni Castro na maaaring may koneksyon ito sa mga imbestigasyon tungkol sa war on drugs ni dating Pangulong Duterte at ang isyu ng maling paggamit ng pondo ni VP Sara Duterte.
