Nag-viral sa social media ang serye ng Instagram stories ni Chie Filomeno nitong Linggo, Oktubre 19, matapos niyang direktang tawagin ang isang “Sofia” na umano’y nagpapakalat ng galit laban sa kanya sa TikTok at iba pang platforms.
Sa mga screenshot na ibinahagi ng aktres, makikita ang mensaheng natanggap niya mula sa isang source na nagsasabing si “Sofia” ay kumokontak umano sa mga influencer upang sirain ang pangalan ni Chie online.
Ayon kay Chie, labis siyang nasaktan sa ginawa ng naturang babae, ngunit iginiit niyang hindi niya hahayaang karma ang gumawa ng paraan.
“I was gonna let karma do its job — nope, I am your karma,” ani Chie sa kanyang post.
Dagdag pa niya, magkaiba raw ang ugali ni “Sofia” online at sa personal, at pinayuhan niya itong harapin muna siya nang direkta kaysa magpadala ng mensahe sa iba.
Sa isa pang story, ibinahagi ni Chie ang mensaheng nagpapakita ng kanyang emosyonal na pagod:
“Masasaktan, mapupuno, at minsan sasabog. The revelations these past few weeks are unbelievable… it took a huge toll on me and my family’s mental health.”
Ayon pa sa aktres, hindi siya naglalayong idamay ang anak ng naturang babae sa isyu, ngunit hindi raw siya mananahimik sa gitna ng pang-aapi.
“Girl, ang tanda na natin. Bully ka pa rin hanggang ngayon?” matapang niyang sabi.
Ibinunyag din ni Chie ang ilang ebidensiya ng mga “dummy” at “verified” accounts na umano’y ginagamit sa pagpapakalat ng hate comments laban sa kanya. Pinabulaanan niya ang depensa ng kabilang panig na “nahack” daw ang account.
“Girl, nag-send si influencer ng e-wallet sa’yo. Sayong-sayooo ang number,” aniya.
Bagaman hindi pinangalanan ni Chie nang buo ang “Sofia” sa kanyang mga post, maraming netizens ang nag-speculate na tinutukoy niya ang aktres na si Sofia Andres, na kasalukuyang karelasyon ng non-showbiz personality na si Daniel Miranda.
Ang post ni Chie ay sinundan ng isa pa niyang pahayag tungkol sa “betrayal ng isang kaibigan” na umano’y nakisawsaw sa isyu ng kanyang dating relasyon.
“What stings more is that a so-called friend… still chose betrayal — even using the internet to attack my character,” sabi niya.
Sa dulo ng kanyang mensahe, nagpasalamat si Chie sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya at hiniling na makatagpo ng kapayapaan ang lahat ng sangkot.
Ang aktres ay kamakailan lamang naugnay sa Cebu businessman na si Matthew Lhuillier, kamag-anak ni Daniel Miranda, matapos ang isyu ng kanyang hiwalayan kay Jake Cuenca.
Sa ngayon, nananatiling tikom ang bibig ni Sofia Andres hinggil sa mga paratang.
