Site icon PULSE PH

Charlie Kirk, Patay sa Pamamaril sa US University!

Patay sa tinaguriang political assassination ang 31-anyos na conservative activist at Trump ally na si Charlie Kirk, matapos barilin habang nagsasalita sa isang event sa Utah Valley University nitong Miyerkules.

Makikita sa video na nag-collapse si Kirk matapos marinig ang isang putok ng baril. Ayon sa mga imbestigador, galing ang bala sa rooftop ng campus at target umano ang pamamaril. Isa ang naaresto, ayon sa FBI.

Kinumpirma ni Donald Trump ang pagkamatay ni Kirk at ipinag-utos ang pagbaba ng bandila sa kalahating-masta sa lahat ng government buildings hanggang Linggo. Tinawag niya itong “legendary” at “the heart of America’s youth.”

Nagpahayag ng lungkot at pagkondena ang iba’t ibang lider ng US, kabilang sina Utah Gov. Spencer Cox, Joe Biden, Kamala Harris, at maging si Gavin Newsom. Pare-pareho nilang iginiit na walang puwang ang political violence sa Amerika.

Si Kirk ang co-founder ng Turning Point USA, kilalang youth conservative group na nagsusulong ng pro-Trump agenda, gun ownership, at matinding stand laban sa immigration. Malaki ang naging papel niya sa pagkuha ni Trump ng suporta mula sa kabataan.

Exit mobile version