Hindi na pinalampas ni Sparkle star Charlie Fleming ang mga usapan at komento online na ikinukumpara siya kay Fyang Smith, ang Big Winner ng “PBB Gen 11” noong 2024.
Si Charlie ang Third Big Placer sa katatapos lang na “PBB Celebrity Collab Edition,” kung saan kasama rin niya si Esnyn Ranollo.
Sa isang panayam kay Boy Abunda, diretsahang sinabi ni Charlie na hindi niya gustong maikumpara sa ibang artista, lalo na kung negatibo ang tono.
“Actually po, nagugulat po talaga ako, natatakot po talaga ako because I really don’t want to be compared to other artists, especially po in a derogatory way,” aniya.
May ilang netizens na nagsasabing mas “mature” si Charlie sa edad na 16 kumpara kay Fyang na 19 taong gulang. Si Fyang naman ay naging laman ng online discussions dahil sa ilang isyu tungkol sa kanyang ugali sa ilang sitwasyon.
Ayon kay Charlie, ang pagiging mature ay hindi basta-basta, kundi bunga ng karanasan at pag-unawa.
“’Yung ’pag wisdom and being mature [na sinasabi nila], it comes from experience — it comes from understanding. Hindi po talaga siya sinasadya. I’ve totally no control and I haven’t spoken up about it because it’s definitely not something that I want to put myself in din,” paliwanag niya.
Aminado si Charlie na hindi pa sila personal na nagkakakilala ni Fyang, ngunit nagkausap na sila ng sandali.
“We’ve met once only. I’ve said ‘Hello,’ and I’ve introduced myself,” sabi niya.
Dagdag pa niya, “But we don’t actually follow each other [on social media].”
Sa kabila ng mga usapin, malinaw kay Charlie na mas gusto niyang pag-usapan ang kanyang sariling journey at hindi ang pagkukumpara sa ibang artista.