Mula sa tinatawag na “lugi,” ngayon ay Big 4 contenders na sina Charlie Fleming at Esnyr Ranollo, o mas kilala bilang CharEs, sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition!
Dating hindi pinili sa pairing task at napilitan lang mag-partner, ngayon sila ang unang opisyal na pasok sa Big Night ng PBB.
Ang twist? Hindi ang publiko ang bumoto para sa kanila — kundi ang ibang housemates at challengers, na napahanga sa diskarte at tahimik pero consistent na performance ng dalawa.
Charlie, mula Cagayan de Oro, ay dating na-evict pero bumalik sa tulong ng boto ng publiko. Samantala, si Esnyr ng Davao del Sur ay never pang na-nominate sa buong season!
Parehong breadwinners, nagduda pa nga silang may laban sila dahil sa voting mechanics noon. Pero ngayon, sila ang unang nakareserba ng upuan sa Big Night ngayong Hulyo.
Kasama kaya nila sa finale sina RaWi, DusBi, AZVer o BreKa? Abangan!
