Opisyal nang Pilipino si world figure skating champ Alexander Korovin matapos ang kanyang panunumpa kay Senate Majority Leader Francis Tolentino nitong Lunes. Siya ang magiging pambato ng Pilipinas sa 9th Asian Winter Games sa Harbin, China mula Peb. 7-14.
Si Korovin, 30-anyos na isinilang sa Russia, ay magiging ka-partner ni Isabella Gamez—ang kapareha niya sa skating sa nakaraang apat na taon. Bitbit nila ang tagumpay ng Pilipinas sa international competitions, kabilang ang silver medal noong 2022 sa Nice, France.
Kasama ang 20-miyembrong Philippine team, target nina Korovin at Gamez ang tagumpay sa Harbin at posibleng Winter Olympics sa Italy sa susunod na taon. Gold medal kaya ang susunod? Abangan!
