Inaasahang lilipat na sa Atlanta Hawks si Kristaps Porzingis matapos ang isang explosive 3-team trade kasama ang Boston Celtics at Brooklyn Nets, ayon sa source na may alam sa deal.
Sa trade setup:
- Porzingis pupunta sa Hawks
- Georges Niang at isang second-round pick mapupunta sa Celtics
- Terance Mann at ang No. 22 pick sa NBA Draft (dating pagmamay-ari ng Hawks) ay mapupunta sa Nets
Bagama’t ’di pa pinal ang deal at inaasahang ma-finalize sa simula ng bagong liga year sa Hulyo 6, unang nailabas ang balita ng ESPN at kinumpirma ng Atlanta Journal-Constitution.
Mukhang malaking reshuffle ito bago pa man magsimula ang NBA season — at si Porzingis, ready nang mag-soar sa ATL!
