Bumawi ang Cleveland Cavaliers sa tambak na 128-100 panalo kontra New Orleans Pelicans, sa pangunguna ni Ty Jerome na may 29 puntos. Matapos ang pagkatalo sa Celtics, muling umarangkada ang Cavs sa harap ng kanilang fans.
Samantala, patuloy ang lakas ng Golden State Warriors, dinurog ang Atlanta Hawks 120-97. Pinangunahan ni Andrew Wiggins (27 puntos) at Stephen Curry (23 puntos) ang ikalabing-isang panalo ng Warriors ngayong season.