Hindi na uhaw sa unang Olympic gold, handa na ang Pilipinas na palawakin ang gold streak nito sa Los Angeles 2028.
Matapos manalo ng dalawang gintong medalya si Carlos Yulo sa Paris, dagdag sa makasaysayang tagumpay ni Hidilyn Diaz-Naranjo sa Tokyo tatlong taon na ang nakakaraan, muling nagningning ang tsansa ng bansa sa darating na Olympics.
Sa kabila ng mga darating na bonus, hindi raw siya madidistract sa kanyang layunin. “Mas focused ako sa susunod na Olympic cycle,” ani Yulo sa isang eksklusibong panayam ng Olympics.com sa Paris.
Lalaban si Yulo sa LA Games para idepensa ang kanyang mga titulo sa floor exercise at vault na kanyang pinagharian sa Paris. “Mas magiging espesyal ito para sa akin dahil gusto kong patunayan na karapat-dapat ako sa mga gold medals ko,” dagdag pa niya.
Ayon kay coach Allen Castañeda, “Mas mabibigyan ng prioridad ang gymnastics ngayon, at inaasahan naming makakatanggap pa kami ng mas malaking suporta.”