Hindi na nakapagtimpi si Carla Abellana matapos kumalat online ang isang article na nagsasabing may posibilidad daw na magkabalikan sila ng ex-husband na si Tom Rodriguez.
Sa kanyang Instagram Story, ipinost ni Carla ang screenshot ng naturang balita at diretsahang pinabulaanan ito.
“Eh, kung kasuhan ko na lang kayo at ‘yang ‘source’ ninyo ng libel?” matapang na banat ng aktres.
Ayon sa article, may source daw na nagsabing “nag-uusap ulit” sina Carla at Tom, at nadamay pa raw ang ama ni Carla na si Rey “PJ” Abellana. Sabi pa ng source, lumambot daw ang puso ni PJ nang makita kung gaano pa rin daw kamahal ni Carla si Tom.
Dagdag pa ng article, si Tom raw mismo ang unang nag-reach out kay Carla. Matatandaang bumalik na si Tom sa Pilipinas at ilang beses na ring napanood sa mga programa ng GMA-7.
Pero klarong-klaro ang sinabi noon ni Carla sa panayam niya kay Boy Abunda: “We are divorced. Recognized na po ‘yan ng court, local court po natin dito.”
Fake news alert! Huwag basta-basta maniwala sa “source” na walang pangalan—lalo na’t may pa-libel threat na si Carla.