PULSE PH

Camingao Umarangkada, Walang Katinag-tinag sa U23 Road Race!

Walang nakasabay kay Rush Camingao sa PhilCycling National Championships sa Tuy, Batangas kahapon. Tinapos niya ang 171km ruta sa 4:01:34.58 at sinungkit ang ginto nang may 90 segundong kalamangan.

Sumunod si Rking Roque na may 4:03.54 para sa pilak, habang si Steven Tablizo ang nakakuha ng tanso matapos ma-relegate si Jude Gabriel Francisco dahil sa foul riding sa final sprint, ayon sa desisyon ng race commissaires.

Exit mobile version