Site icon PULSE PH

Camille Co: ‘Hindi Ako Nepo Baby! Wag Akong Idamay sa Flood-Control Issue!’

Lifestyle influencer Camille Co muling umapela na huwag siyang isama sa kontrobersya sa umano’y maanomalyang flood-control projects matapos siyang maling iugnay online sa mga contractor na iniimbestigahan ng Senado at ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Camille, ilang araw na siyang nai-stress dahil “unfair” ang pagkakadawit ng kanyang pangalan. Giit niya, matagal na niyang nilinaw na wala siyang kaugnayan sa pamilyang Co na nasa gitna ng isyu.

Matatandaang inilabas ni Pangulong Bongbong Marcos ang listahan ng 15 contractor na nakakuha ng bilyon-bilyong halaga ng flood-control projects, kabilang ang Hi-Tone Construction at Sunwest Inc. na konektado sa magkapatid na Christopher at Zaldy Co.

Habang nagpapatuloy ang Senate Blue Ribbon probe, lumutang din ang pangalan ng mga anak ng Co brothers, kabilang si Claudine na kapwa lifestyle influencer.

“Factual na mali at nakakasira sa reputasyon ko ang pagkaka-identify sa akin bilang nepo baby. Delikado pa para sa akin at sa pamilya ko,” ani Camille sa Instagram.

Dagdag pa niya, may mga nag-suggest na gamitin na lang niya ang apelyido ng asawa, pero pinili niyang manatili sa professional name na kilala na ng publiko.

Exit mobile version