Matapos ang pagpanaw ni Pope Francis sa edad na 88, bumuhos ang mga tribute mula sa mga pinuno ng mundo, na inalala siya bilang isang “ilaw ng habag” at tagapagtanggol ng mahihina.
Pilipinas:
Tinawag ni Pangulong Bongbong Marcos si Pope Francis na isang pinunong may “malawak na puso para sa lahat, lalo na sa mahihirap at nakalimutan.”
U.S.:
Donald Trump ay nagpahayag ng pakikiramay at tatawid pa ng Rome para dumalo sa burol.
Joe Biden, isang Katoliko, inalala ang Papa bilang isa sa “pinakamahalagang lider ng ating panahon.”
Russia:
Vladimir Putin binansagan si Francis bilang isang “matalino at makataong lider,” na nagtaguyod ng diyalogo sa pagitan ng Simbahang Katoliko at Orthodox.
UK:
Ayon kay King Charles, si Pope Francis ay may tapang sa pangangalaga sa tao at kalikasan, at malalim ang naging epekto nito sa marami.
Argentina:
Habang nagluksa ang buong Argentina sa loob ng 7 araw, pinasalamatan ni Lionel Messi ang Papa sa pagpapabuti ng mundo. Ayon kay Pangulong Javier Milei, “Isang karangalan na makilala ko siya, sa kabila ng aming pagkakaiba noon.”
Italy:
Ayon kay Prime Minister Giorgia Meloni, “Isang dakilang tao ang nawala sa atin.”
Buong Mundo:
- Ang Palestinian president ay nagpasalamat sa suporta ni Francis sa pagkilala sa estado ng Palestine.
- Sa Papua New Guinea, hinding-hindi malilimutan ang pagbisita ni Francis sa isang malayong komunidad sa kagubatan.
- Ang IOC ay kinilalang si Francis ang inspirasyon sa pagkakaroon ng Olympic Refugee Team.
- Sa Espanya, binigyang-diin ang pamana ng Papa sa kapayapaan at katarungan panlipunan.
- Maging ang Dalai Lama ay nagpugay sa kanyang simpleng pamumuhay na may malalim na kahulugan.
- Ang mga lider mula sa Japan at Nigeria ay inalala siya bilang tagapagtanggol ng kalikasan at klima.
Tunay ngang si Pope Francis ay hindi lang lider ng Simbahang Katoliko — isa rin siyang global icon ng awa, katarungan, at kapayapaan.