PULSE PH

“Bumalik Kayo Lagi!” — Pangulo ng Mexico Nanawagan sa BTS

Nag-uumapaw ang BTS fever sa Mexico matapos maubos sa loob lamang ng ilang minuto ang tickets para sa tatlong concert ng K-pop supergroup sa Mexico City ngayong Mayo. Ayon kay President Claudia Sheinbaum, halos isang milyong kabataan ang nag-agawan para sa 150,000 tickets—patunay ng matinding kasikatan ng BTS sa bansa.

Dahil sa pagkadismaya ng maraming fans, personal umanong sumulat si Sheinbaum sa Pangulo ng South Korea na si Lee Jae Myung upang hilinging mas madalas dalhin ang BTS sa Mexico. Kinausap din niya ang concert promoter na Ocesa para sa dagdag na petsa, ngunit wala umanong bakanteng schedule.

Matatandaang huling nag-tour at naglabas ng musika ang BTS noong 2022 dahil sa mandatory military service ng mga miyembro. Ayon sa kanilang label, maglalabas sila ng bagong album sa Marso at magsisimula ng world tour sa Abril na dadaan sa 34 na lungsod—kabilang na ang Mexico City.

Exit mobile version