Bumaba ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado matapos arestuhin ng puwersa ng Estados Unidos si Venezuelan leader Nicolas Maduro sa isang operasyong militar noong weekend. Ang balita ay nagdulot ng pangamba na muling dadami ang suplay ng langis mula sa Venezuela—isang bansang may pinakamalaking napatunayang reserba ng krudo sa mundo.
Sa maagang kalakalan sa Asya, bumaba ang Brent crude sa $60.62 kada bariles habang ang West Texas Intermediate ay nasa $57.12, kapwa mas mababa kumpara sa mga nakaraang antas.
Ayon sa ulat, inatake ng US ang ilang target militar sa Caracas at dinala si Maduro at ang kanyang asawa sa New York upang humarap sa kasong may kaugnayan sa droga. Sinabi naman ni US President Donald Trump na pamumunuan ng Amerika ang Venezuela at tutulong ang mga kumpanyang Amerikano sa pagsasaayos ng wasak na imprastraktura ng langis ng bansa.
Gayunman, iginiit ng mga analyst na hindi agad-agad makakabawi ang produksyon ng Venezuela. Dahil sa taon ng kakulangan sa puhunan at parusa, nasa isang milyong bariles kada araw na lamang ang produksyon nito—malayo sa 3.5 milyong bariles noong 1999. Dagdag pa rito, nananatiling mababa ang presyo ng langis dahil sa sobra-sobrang suplay sa merkado, kaya’t hindi pa rin kaakit-akit ang malakihang pamumuhunan sa ngayon.
