Site icon PULSE PH

Bruno Mars, Pinagtawanan ang Utang Isyu Matapos Magbasag ng Streaming Record!

Walang kapantay ang kasikatan ni Bruno Mars matapos siyang maging kauna-unahang artist na umabot sa 150 milyong monthly listeners sa Spotify! Pero imbes na seryosong magdiwang, nagbiro pa siya tungkol sa tsismis na siya raw ay baon sa utang.

Naging susi sa bagong milestone na ito ang kanyang hit na “Fat Juicy & Wet” kasama si Sexyy Red, pati na rin ang dalawa niyang collab: “Die With A Smile” kasama si Lady Gaga at “APT.” kasama si Rosé ng BLACKPINK.

Matindi ang impact ng dalawang kantang ito—ang “Die With A Smile” ang pinakamabilis sa kasaysayan ng Spotify na umabot ng 1 bilyong streams sa loob lang ng 96 na araw, habang ang “APT.” ay nakasunod din sa loob ng 100 araw, tinalo pa ang record ni Jungkook ng BTS para sa K-pop category.

Kasama ang mga ito sa hindi bababa sa 15 kanta ni Bruno na may higit 1 bilyong streams, kabilang ang “Just the Way You Are,” “When I Was Your Man,” “That’s What I Like,” “Locked Out of Heaven,” at “Uptown Funk.”

Sa gitna ng selebrasyon, nag-post si Bruno ng Instagram story na may text na:
“Keep streaming! I’ll be out of debt in no time.”

Ito ay isang patama sa lumang tsismis na may utang daw siya na $50 milyon (P2.9 bilyon) sa MGM Resorts, isang claim na itinanggi ng kumpanya. Sa katunayan, in-extend pa ni Bruno ang kanyang residency sa Dolby Live, Las Vegas para sa pito pang shows ngayong taon.

Kahit wala pang bagong solo album mula noong 2016, nominado pa rin si Bruno sa paparating na Grammy Awards para sa Song of the Year at Best Pop Duo/Group Performance dahil sa “Die With A Smile.”

Exit mobile version