Site icon PULSE PH

Brownlee, Kampante sa Chance ng PH sa FIBA Asia Cup!

Hindi perpekto ang simula, pero palaban ang ending!

Mula sa 21-point deficit, matagumpay na humabol ang Gilas Pilipinas at tinalo ang Macau Bears, 103-98, sa kanilang mainit na tune-up game bago sumabak sa FIBA Asia Cup ngayong Agosto 5–17.

Bumida si Justin Brownlee sa laban, may 32 puntos at 5-of-7 sa tres, at tila lalong na-excite sa magiging performance ng team.
“Gusto ko talaga ang tsansa natin. Maganda ang chemistry at practices. ‘Yung second half laban sa Macau, ‘yun ang estilo na gusto namin,” ani Brownlee.

Ngayong araw, lilipad ang Gilas patungong Jeddah, Saudi Arabia para ipagpatuloy ang kanilang paghahanda. Makakalaban nila ang Jordan sa isang tune-up game, pero hindi na makakasama si Rondae Hollis-Jefferson.

Good news: Babalik sa scrimmages si June Mar Fajardo matapos ang pahinga.
Bad news: Doubtful si Calvin Oftana dahil sa sprained ankle.
Nakaabang sina Troy Rosario at RJ Abarrientos bilang possible replacements, ayon kay Coach Tim Cone.

Magsisimula ang kampanya ng Gilas sa Group D, kontra Chinese-Taipei (Aug. 6), New Zealand (Aug. 7), at Iraq (Aug. 9).

Exit mobile version