Ayon sa mga industriya ng gasolina, nag-aabang na naman ang mga motorista sa panibagong taas-presyo ng lokal na pamasahe sa loob ng linggong ito dahil sa iba’t ibang pangyayari sa geopolitika sa labas ng Pilipinas.
Ini-estimate ng Unioil na ang presyo ng diesel ay tataas ng 80 sentimo hanggang P1 bawat litro at ang gasolina naman ay tataas ng 20 hanggang 40 sentimo bawat litro.
Ang forecast ng Department of Energy (DOE) sa presyo ng langis noong Biyernes ay katulad din ng Unioil bagaman batay ito sa apat na araw na kalakalan sa pandaigdigang merkado.
Sinabi nito na ang presyo ng gasolina ay maaaring hindi magbago o tumaas ng 20 sentimo bawat litro.
Maaaring tumaas ng 80 sentimo hanggang P1 bawat litro ang diesel at 85 hanggang P1 bawat litro naman ang kerosene.