PULSE PH

BREAKING: Alice Guo, Nahuli sa Jakarta! Pabalik na ng Pilipinas!

Nahuli si Alice Guo, ang nasibak na alkalde ng Bamban, Tarlac, sa Jakarta, Indonesia, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Kinumpirma ni NBI Director Jimmy Santiago na ngayon ay nasa kustodiya na siya ng mga awtoridad sa Indonesia. Wala pang arrest warrant mula sa korte para kay Guo, pero may warrant siya mula sa Senado dahil sa contempt.

Maaaring inaresto siya ng mga immigration authorities dahil sa mga paglabag sa imigrasyon o hindi pagsunod sa batas, katulad ng nangyari sa kanyang kapatid na si Shiela Guo at sa kanilang malapit na kaalyado na si Cassandra Ong. Kung pareho ang mangyayari kay Alice, posibleng dalhin siya sa Senado para sa karagdagang proseso.

Exit mobile version