Muling bumalik sa big screen ang mundo ng Formula One sa “F1: The Movie” na dinirek ni Joseph Kosinski (Top Gun: Maverick) at pinagbibidahan ni Brad Pitt bilang Sonny Hayes, isang dating F1 driver na bumalik sa karera matapos ang isang matinding aksidente tatlumpung taon na ang nakalipas.
Si Javier Bardem ang gaganap bilang dating teammate ni Hayes na ngayo’y boss ng struggling team na Apex Grand Prix. Nirecruit niya si Hayes para tulungan ang koponan — kahit na malaki na ang ipinagbago ng mundo ng F1: mula sa high-tech na kotse hanggang sa media circus.
Hindi lang karera ang banggaan dito — meron ding tensyon sa pagitan ni Hayes at ng rookie driver ng team na si Joshua Pearce (Damson Idris), habang sinisikap nilang gumana bilang isang team sa isang sport kung saan bawat segundo ay mahalaga.
Bagama’t may mas malalalim na kwentong puwedeng i-explore — gaya ng pagiging second Black F1 driver ni Pearce o ang role ni Kerry Condon bilang unang babaeng tech director ng Grand Prix — pinili ng pelikula na mag-focus sa tambalang Hayes-Pearce at teamwork sa loob ng F1.
Pero ang tunay na bida? Ang karera mismo. Mula sa cinematography ni Claudio Miranda hanggang sa tunog ng mga humaharurot na kotse — dagdagan pa ng musical score ni Hans Zimmer — ramdam mo ang adrenaline!
At para sa fans, may treat din: cameo appearances nina Lewis Hamilton (na co-producer din), Verstappen, Leclerc, at Lando Norris!