Diretsahang sinabi ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda na hindi niya bet ang Miss Universe 2024.
“Hindi ito ang paborito kong Miss Universe. Parang kulang sa kinang,” ani Boy.
Pinuna rin niya ang bagong format sa gown presentation at tinawag itong “kulang sa brilyo.” Bagamat na-appreciate niya ang 125 candidates, hindi raw maganda ang overall staging.
Sinita rin niya ang continental queens award at tinanong, “Ano ‘yon? After-thought lang ba para ma-engage ang iba’t ibang kontinente? Parang kulang sa paliwanag.”
Dagdag niya, nakapagtataka kung bakit hindi nakuha ng Thailand ang Queen of Asia title kahit umabot ito sa Top 5.
Samantala, si Victoria KjaerTheilvig ng Denmark ang itinanghal na Miss Universe 2024, habang pasok lang sa Top 30 ang pambato ng Pilipinas na si Chelsea Manalo.
