Umulan ng puntos sa Oklahoma matapos ilampaso ng OKC Thunder ang Memphis Grizzlies, 131-80, sa Game 1 ng kanilang playoff series — ang pinakamalaking panalo sa Game 1 sa kasaysayan ng NBA playoffs!
Ang 51-point win ay hindi lang pambihira, kundi record-breaking din para sa franchise. At take note — kahit worst game pa ni Shai Gilgeous-Alexander ngayong season (15 pts lang), hindi pa rin kinaya ng Memphis.
Lahat ng starters naka-double figures, pero si Aaron Wiggins ang top scorer mula sa bench na may 21 puntos. Si Jalen Williams naman ay nagdagdag ng 20 puntos at 6 assists.
Dahil top seed ang OKC, nagkaroon sila ng sapat na pahinga habang nagpagod muna ang Grizzlies sa play-in tournament. Ayon kay Williams, sinulit nila ang break na ‘yun para i-refresh ang katawan at game plan.
Game 2 ng serye ay sa Miyerkules (Manila time) — at tiyak, babawi ang Memphis. Pero sa lakas ng Thunder ngayon? Good luck na lang.