Site icon PULSE PH

Bongbong Marcos: Piliin ang pinakamahusay na kandidato, huwag mag vote-buying.

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na ituring na mahalaga ang kanilang karapatan sa pagboto at huwag magpa-buying o magbenta ng boto.

Matapos bumoto para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Ilocos Norte, inihayag ni Marcos na nakatanggap sila ng mga ulat na may mga kandidato sa barangay na kumikilos na nagbibigay ng pera sa kanilang mga kababayan upang iboto sila.

“Well, unfortunately, meron pa ring sumusubok at nag-, umiikot lalo na ‘pag gabi. Last night, there were some reports, even here in Ilocos Norte, na may mga umiikot na namimimili ng boto para dito sa barangay elections,” the President told reporters on Monday.

“Ang aking payo lang sa ating mga kababayan ay huwag niyo namang itatapon ang inyong karapatan na makapili ng mga, ng inyong mga barangay official, dahil alam ‘nyo naman na ang mga barangay official ang mga kaharap ninyo araw-araw. Ito ang mga tinatakbuhan ninyo para makatulong sa inyong problema. Kaya’t kung idadaan lang sa bayaran ay hindi kayo, mawawala ang boses ninyo, at hindi ninyo maipili kung sino ba ang dapat ba talaga na mamuno dyan sa inyong barangay,” dagdag pa ni Pres. Bongbong.

Sinisigurado ni Marcos sa publiko na sinusubaybayan nila ang mga ganitong ulat at ginagawa ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng makakaya upang pigilan ang vote-buying.

Sa panahon ng kampanya para sa 2023 BSKE, maraming ulat tungkol sa mga kandidato sa barangay na nagsusumikap na bumili ng mga boto — kahit na gumagamit ng makabagong teknolohiya upang magpadala ng pera sa mga botante.

Exit mobile version