Nagkaroon ng evacuation sa City of Malabon University (CMU) kahapon matapos makatanggap ng banta ng bombang pag-atake. Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang mga Malabon police at campus security, kabilang na ang sweeping operations at digital forensics analysis.
Ayon kay CMU President Glen de Leon, ang masusing pagsusuri, kasama ang mga lokal na awtoridad, ay nagpasiya na kailangan ng agarang aksyon upang matiyak ang kaligtasan ng lahat sa campus.
Nagbigay naman ng pahayag si Malabon Mayor Jeannie Sandoval, na kinondena ang insidente at tiniyak sa publiko na ang lokal na pamahalaan ay patuloy na nagmamasid sa imbestigasyon.
Hanggang ngayon, wala pang natutukoy na pinagmulan ng banta. Ayon sa mga school officials, natanggap nila ang email bomb threat bandang alas 10 ng umaga.