Target ng College of St. Benilde na makabawi at manatili sa tuktok ng standings sa laban nila kontra Jose Rizal University sa NCAA Season 100 sa Filoil EcoOil Arena.
Matapos ang dalawang dikit na laro — isang panalo kontra San Sebastian, 96-94, at pagkatalo sa Arellano, 73-71 — tabla ang Blazers at Mapua Cardinals sa 6-2 record.
Ngayong 11 a.m., haharapin nila ang JRU Bombers, na galing sa panalo kontra Emilio Aguinaldo, 75-63. Layunin ng CSB na makuha ang No. 1 spot sa pagpasok ng second round. Pero ayon kay JRU coach Louie Gonzales, “Gagawin namin ang lahat para bigyan sila ng laban.”