Handa na ulit ang BLINKs! Muling magbabalik ang K-pop supergroup na BLACKPINK sa Pilipinas ngayong Nobyembre para sa kanilang sold-out na dalawang gabing concert sa Philippine Arena sa Bulacan.
Kinumpirma ng Live Nation Philippines na agad naubos ang tickets para sa “Deadline” world tour ng grupo sa loob lang ng ilang oras matapos magsimula ang general sale para sa mga petsang Nobyembre 22 at 23.
Matapos ang halos dalawang taon na solo projects nina Jisoo, Jennie, Rosé at Lisa, muli silang nagbabalik bilang grupo na may bagong musika at isang global tour.
Pormal na sisimulan ng BLACKPINK ang kanilang world tour sa Goyang Stadium sa South Korea sa Hulyo 5, 2025.
Huling bumisita sa bansa ang grupo noong 2023 sa parehong venue para sa “Born Pink” tour — na sold-out din!