Site icon PULSE PH

Bistado! AI App DeepSeek, Palihim na Nangolekta ng Info!?

Ayon sa data protection agency ng South Korea, nahuli ang Chinese AI app na DeepSeek sa iligal na paglipat ng user info at AI prompts—walang paalam, walang consent!

Ang DeepSeek, na galing sa China, ay nagpadala raw ng personal data ng users papuntang China at U.S. habang naka-download pa ito sa Korea noong January. Mas grabe pa, pati mga prompts na tinatype ng users, ipinasok daw sa Beijing Volcano Engine Tech!

Sa kabila ng issue, hindi pa rin naglabas ng comment ang DeepSeek. Ayon sa kanila dati, ginawa raw ang data transfer para sa “better user experience” (naks). Pero ayon sa Korean authorities, wala itong legal base.

Na-ban na ang app downloads sa Korea mula February, at ngayong April 10 lang daw sinimulan ng DeepSeek na itigil ang pagpapasa ng prompt data.

Ngayon, pinag-utos ng gobyerno ng Korea na burahin agad ang mga datos at ayusin ang legalidad ng mga international transfers.

Exit mobile version