P-pop girl group BINI ipinakita na ang official lightsticks para sa kanilang mga Blooms, na puwedeng gamitin sa kanilang mga performances.
Tamang-tama ito bago ang kanilang tatlong araw na “Grand BINIverse” concerts sa Araneta Coliseum. Ang lightstick ay may asul na hawakan na may “BINI” na nakasulat malapit sa dilaw na flower head na may bituin sa gitna. Mayroon ding vertical infinity sign na may dilaw na bituin.
Presyo nito ay P2,999 at kasama sa set ang lightstick, strap, user manual, package box, at photocard set na nasa envelope. Ang set ay may isang photocard ng isang BINI member at isang card ng buong grupo. Kailangan ito ng tatlong AAA lithium batteries para gumana, pero hindi kasama ang mga batteries.
Ang pre-selling ng lightstick ay magsisimula sa Oktubre 24 para sa Grand BINIverse Day 1 ticket holders; Oktubre 25 para sa Day 2; at Oktubre 26 para sa Day 3. Limited ang quantities kada araw, at magsisimula ang selling mula 10 a.m. hanggang 10 p.m.
Para sa general public, ang pagbebenta ng lightsticks ay magsisimula sa Oktubre 27 mula 12 p.m. pataas.
Ang “Grand BINIverse” concerts ay gaganapin mula Nobyembre 16 hanggang 18.
