Site icon PULSE PH

BINI, Binatikos sa Social Media Matapos Umayaw sa mga Pinoy Foods!

Usap-usapan ngayon sa social media ang P-pop girl group na BINI matapos umani ng mixed reactions dahil sa honest nilang reaksyon sa ilang pagkaing Pinoy tulad ng Betamax at hopiang baboy.

Ipinakita sa isang episode ng People vs. Food sa YouTube (na inupload noong July 8, 2025) ang walong miyembro ng grupo habang tinikman ang “11 iconic Filipino snacks.”

Pero ang naging highlight sa mga viral clips — na umabot na sa milyun-milyong views — ay ang mga candid at mostly negative responses nila sa Betamax at hopiang baboy.

Sa isang eksena, hirap si Sheena sa grilled blood at tinry na lang i-trick ang sarili: “Just think of it as chocolate.” Pero bandang huli, sumuko rin siya: “I don’t think I can. I don’t want.”
Si Jhoanna, deadma rin: “No.”
Si Gwen, diretsahan: “This is not my thing.”
Pero may nagustuhan naman — si Aiah, nag-comment ng “It’s really good.”

Hindi rin masyadong nagustuhan ng grupo ang hopiang baboy, kaya nangibabaw ang “ayaw” kaysa “gusto.”

Dahil dito, binash sila online. Tinawag silang “maarte,” “feeling K-pop,” at “pa-foreigner.” May netizens pang nagsabi na mas maarte pa raw sila kaysa sa mga totoong mayayaman.

Pero para sa iba, nagpakatotoo lang ang girls sa kanilang panlasa.
May netizen pa na nagsabing baka hindi naman sa pagkain ang isyu, kundi sa “manner of speaking” nila habang nagre-react.

Depensa ng kanilang fans na tinatawag na Blooms, kaya sila nag-English ay dahil English-speaking ang host ng show.
Komento ng isang fan: “FYI po, English speaking yung kausap tas magta-Tagalog sila? Di naman maiintindihan ng host.”

Sa dulo, simple lang ang takeaway: Hindi porket Pinoy, obligadong gustuhin lahat ng pagkaing Pinoy. Taste is personal — kahit para sa P-pop stars.

Exit mobile version