Isang pangarap na matagal nang ninanais, ngayon ay nangyari na! Ang “Multo” ng Cup of Joe, isang Tagalog song, ay pasok na sa Billboard Global 200—nasa No. 100, katabi ng mga hit na Numb (Linkin Park) at Counting Stars (OneRepublic). Sa Spotify Global, nasa No. 56 pa ito, katabi ng mga kanta ng Floyy Menor at Neton Vega!
Matagal ko nang pinapangarap na makakita ng Pinoy song sa mga charts, at ngayon, natupad na. Dati, puro Western hits ang naglalakad sa Billboard, kaya’t nagduda ako kung magagawa ito ng isang Filipino artist. Pero nang dumating ang K-pop—mula sa Wonder Girls hanggang sa BTS—nagkaroon ng hope na pwede rin tayo.Ngayon, Multo na ng Cup of Joe ang nagpatunay na dreams do come true.