Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), maaring bumaba ang presyo ng bigas sa P43 per kilo kung mababawasan ang mga middlemen sa proseso ng pagbebenta. Sinabi ni Jayson Cainglet, executive director ng SINAG, na ang bigas ay dumadaan sa anim na middlemen mula sa milling hanggang sa mga mamimili, at bawat layer ay nagdadagdag ng P2 sa presyo.
“Kung maaalis ang mga middlemen, maibebenta ang bigas sa halagang P43 hanggang P45,” ani Cainglet.
Ipinakita ng National Food Authority na maari itong ibenta sa Kadiwa centers sa presyong P43. Nagbukas na ng 21 bagong Kadiwa stores sa Metro Manila at Laguna, nag-aalok ng mas murang bigas sa mga mamimili.
Sa kasalukuyan, umabot na sa P50 per kilo ang lokal na regular milled rice sa mga pamilihan. Kaya, oras na para bawasan ang mga middlemen para makamit ang abot-kayang bigas!
