Filipina golfer Bianca Pagdanganan umarangkada sa Lotte Championship sa Oahu, Hawaii, matapos magbato ng five-under 67 at maglagay ng six birdies sa unang 11 holes! Nasa isang palo na lang siya sa likod ng leader na si A Lim Kim.
Sa kabila ng dalawang sunod na bogey sa 16th at 17th holes, bumawi si Pagdanganan sa 18th para umakyat sa ikalawang puwesto, kapantay sina Ruixin Liu, Polly Mack, Perrine Delacour, at Peiyun Chien.
Ang dating US Women’s Open champion na si Kim ay nagsimula ng malakas sa isang eagle at nagpatuloy ng five-under sa front nine.
“Tinake advantage ko ang lahat ng birdie putts at naglaro ng smart sa hirap ng kondisyon,” sabi ni Pagdanganan, na layuning makuha ang buong card para sa 2025.
Samantala, maganda rin ang simula ni Clariss Guce na may three-under 69, habang si Dottie Ardina ay nag-70 matapos makabawi sa back nine ng eagle-spiked four-under.