PULSE PH

Benguet Landslide: 1 Patay, Ilang Lugar Nalubog sa Baha!

Isa ang nasawi matapos mabagsakan ng gumuhong lupa at bato ang isang SUV sa kahabaan ng Marcos Highway, Barangay Poblacion, Benguet nitong Lunes habang humahagupit si Super Typhoon Nando.

Ayon kay Wilhelm Abance ng municipal disaster risk reduction and management office, ang biktima ay isang senior citizen na pumanaw habang ginagamot sa ospital. Apat na sasakyan ang nadamay—isang fuel tanker, van, kotse at SUV—at anim na iba pa ang sugatan.

Malawakang Pinsala

  • Klase at Trabaho Suspendido – Lahat ng antas ng klase at trabaho sa mga ahensyang gobyerno ay kanselado sa Abra, Apayao, Batanes, Benguet, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at La Union bilang pag-iingat sa patuloy na pag-ulan.
  • Pampanga – 43 barangay ang binaha dahil sa high tide, karamihan sa Macabebe at Masantol.
  • Cagayan Valley – Umabot sa 14,733 pamilya o 47,068 katao ang napilitang lumikas. Sa ngayon, 5,732 pamilya ang nananatili sa 277 evacuation centers.

Nagpapatuloy ang relief operations ng DSWD at iba pang ahensya, habang nananawagan ang mga lokal na pamahalaan ng matinding pag-iingat lalo na sa landslide at pagbaha.

Exit mobile version