Para kay Belle Mariano, panahon na ng paglago at bagong hamon — mula sa solo projects hanggang sa pagtupad ng mga personal na pangarap.
Kamakailan, pumirma siya ng kanyang unang kontrata bilang Kapamilya, bagay na ikinatuwa niya dahil ito raw ay patunay na “forever Kapamilya” siya.
Unang solo project ni Belle ang pelikulang Meet, Greet, Bye kasama sina Maricel Soriano, Piolo Pascual at direk Cathy Garcia-Sampana. Aminado siyang kinabahan dahil wala ang ka-love team na si Donny Pangilinan, pero masaya siya dahil supportive pa rin ito at binisita pa siya sa set.
Hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang DonBelle; may nakalinya pa silang project pagkatapos ng pelikula.
Bukod sa career, natupad na rin ni Belle ang isa sa kanyang pinakamalaking pangarap — ang magpatayo ng bahay para sa kanyang pamilya. Ibinahagi niyang tuwing umuuwi siya mula trabaho, masaya siyang makita ang sariling tahanan na pinaghirapan nila ng kanyang ina at mga kapatid.
Matapos halos 15 taon sa industriya, desidido si Belle na sumabak pa sa mas challenging na roles gaya ng bida-kontrabida, horror, o action. Para sa kanya, bawat proyekto ay pagkakataon para matuto at mas lumago bilang aktres.
