Site icon PULSE PH

Bela Padilla, Diretsahang Opinyon sa “Nepo Babies” at Brand-on-Brand Fashion!

Matapang na inilarawan ni Bela Padilla bilang “tacky” o baduy ang nakikita niyang “brand-on-brand” fashion — yung tipong puro designer labels ang suot mula ulo hanggang paa. Ayon sa kanya, mas classy kung isang pirasong branded lang ang isuot at hindi sobrang in-your-face.

Ibinahagi rin ni Bela ang kanyang naging buhay sa London sa loob ng apat na taon, kung saan nakalayo siya sa spotlight at na-experience ang “efficiency” ng isang first world country. Ngayon, balik-busy na siya sa showbiz at kasalukuyang naghahanda para sa pelikulang “100 Awit Para Kay Stella” kasama si JC Santos.

Sa panayam kay Karen Davila, napunta rin ang usapan sa “nepo babies” at maging sa politika. Bagama’t pamangkin siya ni Senador Robin Padilla, nilinaw ng aktres na wala siyang plano sa politika at mas pipiliin niyang manatili bilang aktor, direktor, at manunulat.

Gayunpaman, hindi siya nagpaligoy-ligoy sa opinyon: “Sa estado ng bansa natin ngayon, mas pipiliin ko pa ang isang random na tao sa kalsada kaysa sa ilan sa mga nakaupo ngayon. Ang daming mas karapat-dapat pero hindi nabibigyan ng pagkakataon.”

Exit mobile version