Sunod-sunod na airstrikes ang tumama sa southern suburbs ng Beirut nitong Linggo, kasunod ng matinding pagbomba noong Sabado. Ayon sa Israeli army, ang mga target ay mga site ng Hezbollah.
Tatlong magkakahiwalay na lugar ang tinamaan, na nagdulot ng makakapal na usok. Bago ang atake, nagbabala ang Israel sa mga residente ng Hadath, Burj al-Barajneh, at Chiyah na lumikas dahil malapit ito sa “mga pasilidad at assets ng Hezbollah.”
Sinabi ng Lebanese National News Agency na isang matinding strike ang tumama malapit sa St. George’s Hospital sa Hadath at isa pang residential building malapit sa Mar Mikhail church sa Chiyah.
Sa timog Lebanon, pitong strike ang iniulat sa Jebchit sa loob lamang ng dalawang oras. Samantala, nagkaroon ng bakbakan ang Hezbollah at Israeli forces malapit sa Chamaa, limang kilometro mula sa border.
Simula noong Setyembre 23, pinaigting ng Israel ang airstrikes sa Lebanon, kasabay ng ground operations matapos ang halos isang taong limitadong sagupaan na sinimulan ng Hezbollah kaugnay ng Gaza war.
