Palaging masarap kausap si Bea Alonzo. Ang kanyang tono, tawa, at kilos ay nagpapaakit na makinig pa sa kanyang kwento. Kapag tinatanong, diretso at malinaw siyang sumagot.
“Aminado ako, strikto si Mama noong bata pa kami, at hindi ko iyon naintindihan dati,” ani Bea. “Nabuntis siya noong 19 siya, at 20 na siya nung pinanganak ako, kaya parang magkaibigan lang kami dahil maliit ang generation gap namin. ‘Yun ang kinatatakutan ko dahil 36 na ako at wala pa akong anak. Sana maging sing-cool ako ni Mama pag nagkaanak na ako.”
Wala raw problema si Bea sa pagiging strikto ng kanyang ina dahil marami itong itinuro sa kanya. “Si Mama, strikto talaga noon, pinapalo kami ng hanger o sinturon. Pero habang ginagawa niya iyon, umiiyak din siya. Hindi siya magso-sorry pero gagawa siya ng paraan para bumawi.”
Isa sa pinakamahalagang aral na nakuha ni Bea mula sa kanyang ina ay ang paninindigan sa sarili at sa mga desisyon. Madalas niyang naririnig ang kasabihang “buntot mo, hila mo,” kaya natuto siyang timbangin nang mabuti ang mga bagay bago magdesisyon.
Bagamat magkaiba raw sila ng ina sa ilang aspeto, Bea aminadong hinahangaan niya ang lakas ng loob nito. “Hindi ko sinasabing mahina ako, pero magkaiba kami ng strengths.”
Ibinahagi ni Bea na mahirap ang naging buhay ng kanyang ina noong bata pa ito. Nagbebenta ng kakanin at nangongolekta ng tira-tira para ipakain sa mga alagang baboy. Kaya naman, hinahangaan ni Bea ang determinasyon ng kanyang ina na makapag-ipon at makabili ng mga ari-arian nang nagsimula na siyang sumikat sa showbiz.