Nag-organisa si Barbie Imperial ng isang simple pero espesyal na birthday lunch para sa kanyang nobyo na si Richard Gutierrez at sa kambal nitong si Raymond. Ginawa ang intimate celebration sa The Peninsula Manila sa Makati, na ibinahagi sa Facebook page ni Ruffa Gutierrez.
Ayon kay Ruffa, si Barbie mismo ang nagplano ng selebrasyon para sa magkapatid. Aniya, may mga sandaling mas dapat danasin kaysa kuhanan ng litrato. Binati rin niya ang kanyang mga kapatid ng tagumpay, pagmamahal, at mabuting kalusugan.
Dumalo rin sa salu-salo sina Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, at ang anak ni Richard na si Zion.
Kamakailan lang ay kinumpirma nina Barbie at Richard ang kanilang relasyon. Ayon kay Barbie, pinili nilang panatilihing pribado ang kanilang samahan upang maiwasan ang mga isyung maaaring makasira rito.
Samantala, mapapanood ang dalawa sa paparating na serye ng ABS-CBN na “Blood vs Duty,” kasama sina Gerald Anderson at Bela Padilla.
