Opisyal na ngang pumasok si Barbie Forteza sa loob ng iconic na Bahay ni Kuya bilang pinakabagong celebrity house guest sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition!
Ibinunyag ito ng PBB sa kanilang social media noong Hunyo 10, at agad itong pinag-usapan ng fans—lalo na’t kasunod lang ito ng surprise visit ni Heart Evangelista sa bahay.
Hindi ito ang unang pagkakataon na may bigating celebrity na dumalaw sa PBB. Sa mga nakaraang season, dumaan na sina Kim Chiu, Paulo Avelino, Charo Santos, at Dingdong Dantes para i-promote ang kanilang mga proyekto.
May mga celebrity guests din na tumagal ng overnight stay tulad nina Donny Pangilinan, Kim Jisoo, Michelle Dee, BINI’s Stacey at Jhoanna, at syempre, ang ka-love team ni Barbie na si David Licauco ng BarDa tandem.
Samantala, bukas pa rin ang botohan para sa mga sumusunod na nominees:
- AZ Martinez & River Joseph
- Dustin Yu & Bianca de Vera
- Shuvee Etrata & Klarisse de Guzman
Kasama rin sa mga natitirang final duos sina:
- Ralph de Leon & Will Ashley
- Mika Salamanca & Brent Manalo
- Esnyr Ranollo & Charlie Fleming
Abangan kung anong pasabog ang dala ni Barbie sa loob ng bahay at kung paano niya mababago ang dynamics ng celebrity housemates!