Site icon PULSE PH

Barbie Forteza, All-Out sa Pagiging Kontrobida sa ‘Kontrabida Academy’!

Muling pinatunayan ni Barbie Forteza ang kanyang versatility sa pag-arte sa pelikulang Kontrabida Academy, na mapapanood na sa Netflix. Dito, ginampanan niya si Gigi, isang mabait at mapagbigay na dalaga na biglang natutong maging “Gia,” isang matapang at matalim na kontrabida matapos pumasok sa isang mahiwagang portal.

Para kay Barbie, ibang klaseng hamon ang maging kontrabida. “Iba ang preparation, iba ang emotional demands,” aniya. Hindi raw sapat na puro kasamaan lang ang ipakita—dapat may lalim at dahilan kung bakit naging ganoon ang karakter.

Ayon sa aktres, tribute rin ang pelikula sa mga iconic kontrabida ng showbiz. Kasama rito si Eugene Domingo bilang si Mauricia, ang mentor na nagtuturo kung paano maging “certified” kontrabida.

Naging personal para kay Barbie ang papel dahil ipinapakita ng kuwento kung paanong ang pagiging kontrabida ay maaaring magturo ng lakas ng loob sa mga taong palaging naaabuso ang kabaitan.

Naalala rin ng Kapuso star ang kanyang valuable experience mula sa masterclass ng yumaong Cherie Gil, ang tinaguriang La Primera Contravida. Isa raw sa hindi niya malilimutan ay ang aral na “Don’t just say the lines, know your whys.”

Sa Kontrabida Academy, dala ni Barbie ang mga natutunan niya, dahilan para maging buhay at makabuluhan ang kanyang pagganap bilang Gigi at Gia.

Exit mobile version