Site icon PULSE PH

Balik-Eskwela si Matteo Guidicelli sa Harvard Business School!

Nagbalik-eskwela si Matteo Guidicelli at kasalukuyang nag-aaral sa Harvard Business School sa Boston, USA!

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Matteo ang mga litrato sa prestihiyosong paaralan at ibinahagi ang excitement niya.

“Ang saya mag-aral dito sa Harvard! Kasama ang mga best professors, books, at classmates mula sa iba’t ibang bansa at industriya. Unforgettable talaga ang experience!” sabi niya.

Maraming celebrities ang bumati kay Matteo, kasama sina Anne Curtis, Karen Davila, at Kyle Echarri. Komento ni Karen, “Good for you, Matt! Precious experience and learnings!”

Matatandaang nagtapos si Matteo ng Marketing Management noong nakaraang taon sa University of San Jose-Recoletos sa Cebu City.

Exit mobile version