Site icon PULSE PH

Bakit Mas Murang Lumipad pa-Hong Kong o Bangkok kaysa Mamasyal sa Sarili Nating Bansa?

Ito ang mainit na usap-usapan sa social media matapos mag-viral ang hinaing ng mga traveler—kabilang na ang TV host na si Bianca Gonzalez—tungkol sa tila “ginto” na presyo ng domestic flights. Agad naman itong inaksyunan ng Department of Tourism (DOT) at Department of Transportation (DOTr) para gumaan ang bulsa ng mga Pinoy.

Bakit nga ba sobrang mahal? Ayon kay Presidential Communications Undersecretary Claire Castro, may mga rason kung bakit nagmamahal ang ticket:

  • Maliit na Eroplano: Ang mga destinasyong gumagamit ng maliliit na plane (70 seats) ay mas mahal kaysa sa malalaking jet (200 seats).
  • Fuel Surcharge: Dahil sa pabago-bagong presyo ng langis sa mundo.

Good News: Presyo, Bababa na! Sa pakikipag-usap ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez sa Philippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific, pumayag na ang mga ito na bawasan ang kanilang pamasahe, lalo na ang ruta patungong Siargao.

Tinanggal na rin ng mga airline ang kanilang “two most expensive price buckets” o ‘yung mga pinakamahal na kategorya ng ticket para sa ilang local destinations.

Transparency ang kailangan Hindi lang bawas-presyo ang hirit ni Tourism Secretary Christina Frasco. Gusto ng DOT na magkaroon ng monthly publication ng ticket prices at magtakda ang Civil Aeronautics Board (CAB) ng malinaw na price ceiling o limitasyon sa taas ng presyo.

“I invite our airlines to help us, help Filipino travelers by providing competitive prices for domestic tourism,” pakiusap ni Frasco.

Sa kabila ng isyung ito, number one pa rin ang Pilipinas sa Southeast Asia pagdating sa domestic tourism na may 134 million trips noong nakaraang taon. Pero siyempre, mas masarap mag-travel kung hindi masakit sa budget, ‘di ba?

Exit mobile version