Site icon PULSE PH

Bakit Bet ni Nadine Lustre Gumawa ng mga Horror?

Horror queen na ba si Nadine Lustre? “Parang ang aga pa para doon, pero kung gusto niyo akong tawagin, OK lang, salamat! Haha!” biro ni Nadine sa presscon ng “Nokturno,” ang bago niyang horror film na ngayon ay nasa Prime Video.

Ang “Nokturno” ang pangalawang horror movie ni Nadine kasunod ng award-winning “Deleter” noong 2022 MMFF, kung saan siya nanalong Best Actress. Sa “Nokturno,” ginagampanan niya si Jamie, isang OFW na bumalik sa Pilipinas para harapin ang isang sumpang nakakabit sa kanilang pamilya — ang misteryosong “Kumakatok” na nagdadala ng kamatayan.

Mas challenging daw ang “Nokturno” kumpara sa “Deleter.” “Mas maraming elements dito tulad ng ulan, outdoor scenes, at prosthetics,” paliwanag ni Nadine. Pero love niya ang paggawa ng horror dahil sa kakaibang proseso nito.

“Favorite genre ko talaga ang horror. Ang saya kasi part ka ng kwento at sobrang interesting ng proseso. Yung mga eksena na kailangan naming takutin ang sarili namin para maging totoo ang takbo ng kwento, sobrang enjoy ako sa ganun,” dagdag niya.

Si Nadine, patuloy na nagpapakita ng kakaibang galing sa horror genre — kaya ang tanong, siya na ba talaga ang bagong reyna ng takutan?

Exit mobile version