Ang bagyong Carina (international name: Gaemi) ay nanatili ang lakas malapit sa Casiguran, Aurora habang patuloy na kumikilos sa Philippine Sea nitong Linggo ng hapon, ayon sa PAGASA.
Sa kanilang 5 p.m. update, iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na ang bagyong Carina ay huling namataan 365 kilometro silangan hilagang-silangan ng Casiguran.
Halos hindi ito gumagalaw, taglay ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 85 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna nito at bugso na umaabot hanggang 115 kph.
Ayon sa Pagasa, wala pang itinaas na wind signal sa anumang bahagi ng bansa sa kasalukuyan. Gayunpaman, hindi nila isinasantabi ang posibilidad na magtaas ng signal no. 1 sa Extreme Northern Luzon dahil sa bagyo.
