Para labanan ang tumataas na bilang ng mga aksidente sa kalsada, iniutos ni Mayor Benjamin Magalong ang mahigpit na pagpapatupad ng 30-kilometer-per-hour speed limit sa buong lungsod ng Baguio.
Kasama sa pagpapatupad ang Baguio City Police, Land Transportation Office, Public Order and Safety Division, at iba pang ahensya.
Ayon kay Magalong, bibili ang city government ng mga bagong speed monitoring devices tulad ng speed guns at radar sensors para mas mapabuti ang pagbabantay sa bilis ng mga sasakyan.
Sa ilalim ng ordinansa, ang max speed ay 20 kph sa central business district at major roads, habang 30 kph naman sa mga inner roads.
Binibigyang-diin ng mayor na ang mahigpit na pagpapatupad ay tanda ng kanilang seryosong pangako sa kaligtasan ng publiko at pag-iwas sa mga aksidente.
“Pinapayuhan namin ang lahat ng motorista na sumunod sa speed limits. Sama-sama nating panatilihing ligtas ang mga daan ng Baguio para sa lahat,” sabi ni Mayor Magalong.