Site icon PULSE PH

Bagong Star Magic Artists, Handa ng Sumikat!

Opisyal nang ipinakilala ng Star Magic ang kanilang bagong batch ng talents sa “Magical Vibes: Star Magic Music Room Contract Signing” na ginanap sa Noctos Music Bar, Quezon City. Kabilang sa mga bagong Star Magic artists sina Esang, James Philippe, Jarlo Base, at Diego Gutierrez, na ngayon ay opisyal nang bahagi ng premier talent agency ng bansa.

Dumalo sa event ang mga ABS-CBN executives at supporters ng mga artists, kabilang sina Star Magic Head Laurenti Dyogi at ABS-CBN Music Head Roxy Liquigan, na nagpahayag ng tiwala sa bagong batch ng talents.

Esang – Kilala sa kanyang powerful voice, si Esang ay dating contestant ng The Voice Kids Philippines Season 2 kung saan siya ay mentored ni Lea Salonga. Sa event, mismong si Salonga ang nagpakilala sa kanya bilang isang rising star.

James Philippe at Jarlo Base – Parehong naghahanda sa kanilang upcoming music projects. Si Jarlo, na ipinakilala ni Colet ng BINI, ay agad nakakuha ng suporta matapos irekomenda ng idol group ang isa sa kanyang mga kanta.

Diego Gutierrez – Kapatid ni Janine Gutierrez, nais niyang gumawa ng sariling marka sa industriya. Nangako siyang “patuloy na magsisikap upang mapasama sa Tatak Star Magic!”

Bagong talento, bagong tunog—handa na ba ang Star Magic’s next big stars?

Exit mobile version